Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mayor boss sinisilip: Recruiter ng sex worker arestado

0 279

Laglag sa mga awtoridad sa Navotas City ang sinasabing recruiter na nambibiktima ng mga naga-apply ng trabaho ngunit gagawin palang sex worker, ayon sa Philippine National Police-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG).

Kinilala ni PNP-AKG spokesperson P/Maj. Ronaldo Lumactod ang suspek na si Catherine Tandas, kasalukuyang nakatira sa Navotas City. Nahuli si Tandas dakong alas-8:30 ng umaga noong Miyerkoles sa Navotas City sa bisa ng inisyung arrest warrant ng Aklan Regional Trial Court Branch 7 laban sa kanya noong January 16, 2018 para sa reklamong Anti-Human Trafficking in Persons Act of 2003.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dinadala umano ng suspek ang kanyang mga biktima sa President Roxas, Capiz at Iloilo para alukin na maging kasambahay pero sa halip ay sinasadlak ang mga ito bilang sex slave at beerhouse girl. Nagsimula umano ang modus ng suspek noong 2015.

Dinala na si Tandas sa PNP-AKG sa Camp Crame at sinampahan ng kaukulang kaso laban sa kanya.

Samantala, ayon sa isang online news binunyag ni Lumactod na posibleng may sangkot umanong provincial mayor sa operasyon ni Tandas. Ang mayor aniya ang boss sa naturang iligal na gawain. Hindi pa ito pinangalanan dahil sa patuloy na operasyon para maligtas ang mga biktima at mahuli ang opisyal. (Allan Bergonia/Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.