WebClick Tracer

TONITE HULAAN BLUES

Mayor dumayo sa kasal, inintriga

Sino raw itong alkalde ang iniintriga dahil sa pagkakasal ng couple sa labas ng kanyang hurisdiksyon?

Ayon sa nakalap ni Mang Teban, marami raw ang nagtaas ng kilay dahil dumayo pa si mayor sa isang one-star Michelin restaurant para ikasal ang kaibigang lalaki sa napupusuan nitong girl.

Malayo raw sa territorial jurisdiction ng alkalde ang wedding venue kaya marami ang nagtataka kung legit ang kasal dahil bawal umano ang ginawa ng mayor.

May iba naman ang naghinala na baka ikinasal na sa mayor’s office ang dalawa at ceremonial na lamang ang ginanap sa wedding venue.

Kilalang mayabang ang groom kaya naman ipinangalandakan ang mga bigating sponsor sa wedding.

Ang tanong na lamang ay hanggang kailan kaya magiging kaibigan ni mayor itong groom dahil kilala pa naman itong politiko na tinatabla kahit kaibigan kung makakadiskaril sa kanyang political ambition.

Clue. Ang mayor na nagkasal sa labas ng kanyang territorial jurisdiction ay may letrang O sa kanyang pangalan, as in “OMG!”