Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mayor gigil sa mga Boracay scammer

0 78

Nangako si acting Malay Mayor Frolibar Bautista na mananagot ang mga ilegal na tour guide at mga nagsasamantala sa pagbabalik ng mga turista sa Boracay Island.

Nilabas ng alkalde ang pahayag matapos mapaulat na may mga indibidwal na may freelance jobs sa Boracay kahit pa wala ang mga itong angkop na pagsasanay para maging tour guide at “commissioner.”

Pinagsasamantalahan ng mga ito ang mga biyahero sa pag-overprice ng mga tour at aktibidad, at lantaran silang naglalako ng kanilang mga serbisyo sa tabing-dagat.

SM food to go Banner Ad

“Their illegal activities destroy Boracay’s tourism image. They are threatening the tourism sector,” ani Bautista.

Sa isang municipal ordinance, inoobliga ang lahat ng mga tourist guide, coordinator, at escort na maging re­histrado at ipakita ang kanilang identification card sa lahat ng beses habang nagtatrabaho.

“Itong mga pasaway ang sumisira sa turismo sa Boracay. Sa mga ganitong mga tao, itigil na ninyo ang mga ilegal na aktibidad,” babala ng alkalde. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.