Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mayor ika-quarantine magpapakalat ng fake news

0 478

Nagbabala si San Jose City, Nueva Ecija Mayor Mario “Kokoy” Salvador na ipalalagay nito sa “quarantine facility” ang mga mahilig magpakalat ng fake news na nakakadagdag sa takot at stress sa nararanasang COVID 19 crisis.

Sa kaniyang FB page ay sinabi ng alkalde na sa naturang pasilidad ay hindi mababagot ang mga `fake news sources’ dahil may wi-fi dun at makakasama pa nila ang mga `suspected COVID patients’ na sumasailalim sa 14-day quarantine.

Ginawa ang naturang babala makaraan umanong may nag-post na isang mall cashier ang nagpositibo sa COVID-19 sa lungsod na ikinakabahala ng mga residente.

Pinaalalahanan din ni Mayor Salvador ang mga opisyales ng 38 barangay na maaring magpatibay ng kani kanilang ordinansa upang higit na maipatupad ang pag-iingat ng residente sa ilalim ng pagiging MGCQ. (Jojo de Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.