Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mayor inalok ng 4 fixer sa LTO

0 186

Apat na sinasabing fixer sa Land Transportation Office – Marikina ang dinakip matapos nilang parahin ang sasakyan ni Mayor Marcelino Teodoro para alukin ng `mabilisang proseso’ ng rehistrasyon ng sasakyan.

Ayon sa alkalde, mag-iinspeksyon dapat siya ng isang proyekto sa siyudad nang bigla itong pinara ng mga fixer para sa kanilang ‘mas mabils’ na serbisyo.

SM food to go Banner Ad

Nagduda ang alkalde dahil walang suot na uniporme ang mga ito.

Nang matunugang fixer ang mga ito ay agad na tinawagan ng alkalde ang mga pulis at pinadampot ang apat.

Nabatid na tatlo sa suspek ay sumailalim na sa inquest proceedings.

Leave A Reply

Your email address will not be published.