Abante Tonite Interactive

Mayor Isko na-stranded sa HK

0 490

Nakabalik na sa Maynila si Manila Mayor Isko Moreno makaraang maistranded sa Hong Kong International Airport dahil sa pagsabog ng Taal Volcano.

Ayon sa kanyang Facebook Live, January 12 na-stranded ang alkalde. Inabutan kasi ang flight niya ng pagsasara ng Ninoy Aquino International Airport noong Linggo makaraang magpaulan ng abo ang Taal na umabot sa Metro Manila at ilang lugar sa Central Luzon.

“I’m about to go home, na-delay lang ho kami, hindi kami makasakay dahil wala pang clearance sa Manila,” sabi niya.

Pagkabalik sa Maynila kahapon ay nagsagawa ito ng emergency meeting and consultation kasama ang mga Manila City Council member dahil sa Alert Level 4 sa Taal Volcano.