Abante Tonite Interactive

Mayor Isko pinuri ng ACT-CIS

0 438

Pinuri ng ACT-CIS Partylist si Manila Mayor ‘Isko Moreno’ Domagoso dahil sa mabilis nitong aksiyon at pagtugon para dakpin ang mga namemeke ng Person With Disability (PWD) ID na unang ibininyag ni Cong. Eric Yap.

Ayon kay Cong. Yap, umaksiyon­ na si Yorme Isko, kailan naman kaya tutugon ang ibang lungsod para sugpuin ang pamemeke ng mga PWD ID sa kanilang nasasakupan.

Sinabi ng mambabatas, talamak ang pamemeke ng mga PWD ID na ginagamit para makakuha ng discount at iba pang benepisyo.

Nananawagan si Cong. Yap sa mga kasamahan nito sa Kongreso na dinggin na ang sinumite niyang House Resolution 454 para silipin muli ang RA 10754 na magpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga namemeke ng mga dokumento, tulad ng PWD ID.

Unang ibinunyag ni Rep. Yap ang pagkalat ng mga PWD ID noong may nakasabay itong kumakain sa isang restaurant na puro may PWD ID pero wala naman silang mga kapansanan.