Abante Tonite Interactive

Mayor Joy nalusutan ng ASF sa QC

310

Hindi makapaniwala ang Lokal na Pamahalaan ng Quezon City nang madiskubreng may sertipikasyon mula sa National Meat Inspection Service (NMIS) ang mga meat product na natuklasang positibo sa African swine fever (AFS) sa dalawang supermarket sa lungsod.

Sa press conference nitong Biyernes, kinumpirma ni QC Mayor Joy Belmonte na nagulat sila nang malaman na ang mga nakum­piskang ibinebentang mga baboy sa dalawang supermarkets sa lungsod ay nabigyan ng sertipikasyon ng NMIS, isang attached agency ng Department of Agriculture (DA).

Kasabay nito ay itinanggi naman ni Belmonte, na ang mga nakumpiskang mga karne ng baboy na ASF positive sa dalawang suspermarkets ay hindi galing sa mga piggery sa kanyang nasasa­kupan. (Dolly Cabreza)