Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mayor kinasuhan sa maanomalyang medical supply

0 514

Mahaharap sa kasong kriminal at administratibo si Tabuk City, Kalinga Mayor Darwin Estrañero dahil umano sa maanomalyang pagbili ng medical supply para coronavirus disease-19 (COVID-19).

Base sa records ng Office of the Ombudsman, sinampahan ng isang Atty. Errol Comafay Jr., ng Barangay Bulanao, Tabuk City si Estranero sa Ombudsman noong Hunyo 29 sa kasong kriminal at administratibo dahil umano sa maanomalyang pagbili ng mga thermal scanners para sa COVID-19.

Sa kanyang sinum­paang salaysay, ayon kay Comafay, kabilang sa mga overpriced na medical supplies na binili ng LGU ay ang mga alcohol, PPE jacket at PPEs with shoe cover and glasses.

Mariin namang pinabulaanan ng mayor ang paratang laban sa kanya partikular ang maanomalyang pagbili ng mga medical supplies.

Ayon kay Estrañero, pinupulitika lamang siya at sinisiraan ang kanyang imahe sa publiko.

Depensa ng alkalde, ginawa lamang niya ang nararapat sa panahong labis na kinailangan ang mga medical supplies sa lungsod. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.