Abante Tonite Interactive

Mayor Loot sana magka-malaria o ketongin – Duterte

By
0 216

Matapos makalu­sot sa ambush, hangad ni Pangulong Rodrigo Duterte na kapitan ng sakit ang dating police general na si Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot.

Kabilang si Loot sa mga police general na pinangalanan ng Pa­ngulo na sangkot aniya sa kalakaran ng iligal na droga sa bansa.

Sinabi ng Pangulo na nagtatago na nga­yon ang alkalde matapos makaligtas sa dalawang beses na pananambang.
Pero hindi aniya nito alam kung sino ang nasa likod ng ambush sa da­ting heneral.

Dahil dito sinabi ni Pangulong Duterte na bahala na ang Diyos na magparusa kay Loot.

Sana aniya ay magkasakit ito ng malaria o kapitan ng leprosy o ketong.

“Itong … dalawang beses inambush buhay pa rin ang ungas. Sabihin ko sa kanya, Diyos, ikaw na bahala niyan. Bigyan mo yan malaria o leprosy putang inang yan,” ang gigil na paha­yag ng Pangulo.

Sinabi pa ni Pangulong Duterte na masyadong mabigat ang problema ng bansa sa iligal na droga kaya gagamitin niya ang natitirang taon ng kanyang termino para paigtingin ang kampanya kontra droga.