Abante Tonite Interactive

Mayor mas madalas sa casino kesa munisipyo

591

Napapansin ng mga residente sa isang munisipalidad sa lalawigang napakalapit sa Metro Manila ang madalas na pagiging “ghost” ng kanilang mayor.

Ayon kay Mang Teban, sa sumbong daw ng mga constituent ng alkalde ay mas madalang pa sa sumpong ng sakit ng tyan ang pagpasok ng kanilang ama ng bayan.

Ang siste, lagi raw ka­sing puyat sa pagka-casino si Meyor kaya’t ipinauubaya sa kanyang municipal administrator ang mga tungkulin sa kanyang nasasakupan.

Ang chika pa ni Mang Teban, dahil nga raw laging nasa casino si Mr. Official, isinulong na lamang ng ina nito na magtayo ng casino sa kanilang lugar.

Kahit tutol daw ang gobernador ng kanilang lalawigan ay ipinatayo ng ina ng alkalde ang casino na malapit nang matapos.

Kamakailan lamang ay ipinagmalaki pa raw ni Mr. Mayor ang kanyang mga award su­balit alam naman ng kanyang mga kababa­yan na binili lamang niya ang mga ito upang pa­labasin na siya ay matinong opisyal.

Ang ating bida ay mula sa munisipalidad na ipinangalan din sa isang bus company at ang pangalan nito ay may letrang S sa kanyang pangalan as in “Star Starry Night”.