Abante Tonite Interactive

Mayor may favoritism

616

Noong panahon ng halalan, napakadaling hagilapin nitong isang alkalde sa Metro Manila.

Halos lahat na yata ng media interview, pinapatulan kaya naman pumogi siya sa pani­ngin ng kanyang nasasakupan.

Pero matapos manalo, nagbago na raw ng ugali ang alkalde dahil hindi na ito basta-basta makakausap ng mga reporter.

Tila isang TV network lang daw ang pinapanigan at dedma na sa ibang istasyon, ma­ging sa mga radio station, online news at mga newspaper.

Pati na ang mga staff nito, tila tinuruang magsinungaling at pinahaharang ang anumang request ng hindi paboritong media.

Clue: Si Mayor ay mahilig sa sports at may letrang A sa kanyang apelyido. (Vick Aquino)