Abante Tonite Interactive

Mayor na dawit sa droga, tatlo ang ‘boy toy’

By
810

Ang petmalu ng mayor sa isang lungsod sa Visayas na nagpapakasarap nang husto sa biyayang dulot ng kanyang posisyon bilang halal na opisyal.

Tatlo ang bagets na lovers ni yorme na lahat ay kanyang binubuhay at pinaliliguan ng kung ano-anong regalo at bigay.

Si boy toy #1 binigyan ni mayor ng Toyota Fortuner, si boy toy #2 binigyan niya ng motorsiklo at pinaayos ang bahay, at si boy toy #3 ay iskolar naman ni mayor na malaki at regular ang allowance.

Eh saan galing ang pera ni yorme para sa mga gastos niya kasama na ang para sa kanyang mga kael­yahan? Nasa narco-list ni Pangulong Duterte ang mayor na ito sa isang lungsod sa Visayas.

Yes mga pare at mare, balita sa lugar nila na sabit si yorme sa droga. Kaya ng konsensiya mo mayor, na maraming buhay at pangarap ng mga kalugar mo ang nasisira para lang marami kang pera parati? Tsk tsk.

Kunsabagay, muk­hang makapal na si yorme pagdating sa palusot at paggawa ng bawal.

Balita na dinoktor din niya ang kanyang educational attainment kumbaga ala-‘recto’ ang kanyang papeles.

Ang pakilala niya ay graduate siya sa isang university sa Maynila pero hindi naman dahil tapos lang siya ng technical-vocational course sa kanilang lugar.

Inireklamo na rin siya sa Office of the Ombudsman dahil sa mga hokus pokus sa city hall pero walang naging aksiyon sa hindi pa natin alam na halaga este dahilan.

Mr. President, ang mayor sa isang lungsod sa Negros Orien­tal na sangkot sa droga batay na rin sa hawak mong narco-list at ubod nang tulis dahil tatlo ang binubuhay na bagets na boy toys ay itago na lang natin sa pa­ngalang, ‘rey by day, reyna by night’.