Abante Tonite Interactive

Mayor namudmod ng expired beauty cream

By
232

Dismayado ang mga guro sa isang lungsod sa Metro Manila sa kanilang alkalde dahil minsan lang daw magparamdam sa kanila ay palpak pa.

Ang kuwento ni Mang Teban, noon daw Tea­cher’s Day ay nagregalo ang alkalde sa mga guro ng beauty cream bilang pagkilala sa kanilang pag­lilingkod.

Nasorpresa pa nga raw ang mga guro dahil ito ang unang pagkaka­taon na nakatanggap sila ng regalo mula sa alkalde.
Gayunman, napalitan ng pagkadismaya ang katuwaan ng mga guro nang makita na ang expiration date ng beauty cream ay ‘October 2018’.

Abante Hiring – IT dep

Natakot na tuloy ang mga guro na gamitin pa ang beauty cream at itinapon na lang.

Giit ng mga guro, minsan na lang makaalala si Yor-me dahil sa nalalapit na eleksyon ay ba­lak pa atang sirain ang kanilang mukha.

Ang ating alkalde na mula sa lungsod kung saan maraming isda ay may letrang L sa kanyang pangalan as in labong-labo ang mga guro.