Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mayor nasa birthday party kahit nalubog Tuguegarao

0 416

Sinita ng Department of Interior and Local Government (DILG) Tuguegarao, Cagayan Mayor Jefferson Soriano matapos mabatid na wala ito sa kanyang nasasakupan habang may banta ng paghagupit ang bagyong ‘Ulysses’.

Nabatid sa social media post ng kanyang anak na si Bea Soriano Dee ang larawan kasama ang alkalde sa birthday nito noong Nobyembre 11 bago lumubog sa baha ang Tuguegarao dulot ng bagyo, “I didn’t even think I would see you for the rest of the year. So having you here with us is the best gift ever. happy happy birthday to my man, my fave petite papa.”

Paliwanag naman ni Soriano, nagpaalam umano siya kay Cagayan Governor Manuel Mamba at umalis sa probinsya noong Linggo ng hapon, “I tried coming back on the 12th noong nag-umpisa na po ang ulan pero sarado po ang Bocaue – ang NLEX. So ‘yung regional director po was giving me an update up to nagbukas po ng hapon ng 12.”

Sinabi naman ni DILG Usec. Jonathan Malaya sa isa ring panayam, na malinaw itong paglabag sa protocol para sa mga mayor, “Kung sinasabi niyang nagpaalam siya, kailan ‘yun? Why would he leave? Kasi ‘di ba ‘yung bagyo tumama siya sa Bicol November 11. Tapos tumama ng Metro Manila November 12. Meron nang stom signals nung November 10.” Pagpapaliwanagin naman ang alkalde hinggil sa insidente.

Leave A Reply

Your email address will not be published.