Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mayor ng Lian, Batangas pumanaw sa COVID

0 147

Binawian ng buhay ang Mayor ng Lian, Batangas matapos makipaglaban sa COVID-19.

Kinumpirma ng Facebook page ng Municipality of Lian, Batangas na sumakabilangbuhay noong Sabado ng gabi si Mayor Isagani Bolompo habang nakaratay sa Lung Center, Quezon City.

Ayon sa impormasyon, si Balompo na isa ding doktor ay unang isinugod noong October 17 sa Western Medical Center sa bayan ng Balayan dahil sa sintomas ng COVID-19.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Matapos sumailalaim sa swab test, nagpositibo ito kaya agad ding inilipat sa Lung Center.

Dakong alas 10:30 ng Sabado ng gabi nang ihayag ng doctor na pumanaw na ang mayor.

Labis namang ikinalungkot ng mga mamamayan ng Lian, mga kaibigan at kapamilya ng alkalde ang pagpanaw nito. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.