Abante Tonite Interactive

Mayor ninakawan ng baril, P56K cash, papeles

538

Isang mayor at bodyguard nito ang nanakawan habang nakaparada ang kanilang sasakyan sa parking lot ng Hotel Francesko sa Maharlika Highway, Brgy. Malasin, San Jose City noong Huwebes ng gabi.

Sa ulat, nakilala ang biktimang sina Mayor Michael Carleone Mones Cruz, ng Umingan, Pangasinan, 43-anyos, at Noel delos Santos Garcia, 36-anyos, residente ng Brgy. Aduas Norte, Cabanatuan City.

Nabatid na bandang alas-siyete ng gabi nang tangayin ng dalawang ‘di kilalang lalaki ang dalawang bag ng mga biktima na nakalagay sa Wrangler type jeep ng alkalde.

Kasama sa nadek­wat ay mga wallet, passport, driver’s license bank book, cash na Php56,000.00, isang caliber .40 Jerico pistol at mahahalagang dokumento ng alkalde.

Tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo patungong city proper. (Jojo de ­Guzman)