Abante Tonite Interactive

Mayor pinagtaguan ang mga kababayan

1,855

Dismayado ang mga kababayan ng isang mayor na ito sa Pampanga dahil sa kabila ng pangamba dulot ng pinapatupad ng enhance community quarantine, hindi umano ito nagbibigay ng tulong sa kanila. Nakarating sa impormasyon ng Tonite na kahit na mayaman naman ang kanilang lungsod hindi magawang magbigay ng ayuda sa kanyang mga kababayan tulad hygiene kit na naglalaman ng alcohol, sabon, vitamins at iba pa.

Naiinggit tuloy ang mga ito sa kalapit nilang lungsod na naunang nang nakatanggap ng hygiene kit. Pero itong k a n i l a n g m a y o r, mukhang natutulog sa pansitan at wala daw planong mamigay nito. Hindi rin umano nagbigay ang tulong ang mayor na ito kahit pagkain man lang sa mga front liner tulad ng mga pulis, sun dalo at mga barangay tanod na kasama sa isinasagang checkpoint.

May ilang mga kababayan nito ang nagtungo sa tanggapan nito bago pa man magdeklara si Pangulong Duterte ng enhance community quarantine para makahingi sana ng assistance subalit wala daw ito sa kanyang tanggpan.

Pero may balitang, namimili lang daw ang mayor na ito na tutulungan lalo na iyong mga barangay kung saan mataas ang kanyang boto noong nagdaang eleksiyon. Clue: Ang mayor ng Pampanga na hindi mahagilap ng kanyang mga kababayan sa panahon ng COVID-19 crisis ay may letrang T sa kanyang apelyido as in ‘tago ng tago

Tonite – Wendys Inhouse Ad