Abante Tonite Interactive

Mayor Rex umusok sa galit sa Toyota

1,403

Malaking pagkadismaya ni Valenzue­la City Mayor Rex Gatchalian sa palpak at mabagal na serbisyo ng Toyota Service Center sa Mindanao Avenue sa Barangay Ugong.

“Toyota Ugong’s service is just not good. Niloloko niyo na lang clients niyo. May ganun pala 4th back job… normal ba yun?” buska ni Mayor Gatchalian sa kanyang Twitter account.

“Toyota Ugong, when you opened your branch I was there to cut the ribbon… you promised good, efficient service… 4x na back job! Tiniis ko yung 1st na 3 pero now magsasalita na ako as a customer na naloko niyo. Para wag matulad sa akin ibang mga taga-Valenzuela,” ayon pa sa tweet ni Mayor Gatchalian.

Nabatid na personal na nagtungo ang alkalde sa Toyota service center sa Brgy. Ugong upang ipaayos ang kanyang sasakyan na Alphard kung saan ay naka-apat na back job na ito at nagpabalik-balik ang sira ng kanyang sasakyan.

“Kahit naman public official ako cguro may consumer rights din ako. Lesson learned…last na eto kasi back job so no choice….4th time na back job. Never ever go to Toyota Ugong…,” ngitngit na tweet ni mayor.

“Wanted to patronize Valenzuela businesses but shops like this are just fooling their customers,” dagdag pa nito.

“I guess wala na lang sila talagang pakialam sa clients nila… never ever will I go back to Toyota Ugong… this is the one sa Mindanao Ave. Valenzuela side,” ayon pa sa alkalde.

“Pero to be honest ayaw ko naman lahatin ang Toyota… I think its this dealer lang kase una pa lang napansin ko parang wala naman silang serious na pakialaman ayusin,” sabi pa ni mayor.

Ang Toyota Service Center sa Brgy. Ugong, Mindanao Ave. ay binuksan noong November 17, 2016 na kung saan kasama si Mayor Rex Gatchalian at mga opisyal ng Toyota ang dumalo sa naganap na opening.

Nagpadala ng mensahe ang Abante Tonite sa Toyota Mindanao Ave. para sa reaksyon subalit hindi ito tumugon. (Vick Aquino/Orlan Linde)