Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mayor sa Samar, inambus sa sakahan

0 220

Tinangkang paslangin ang isang alkalde ng isang bayan sa Samar matapos itong barilin habang papasok ng kanyang sakahan sa Barangay Sugod, Tagapul-an, Samar.

Ayon sa report ng Police Regional Office-8, nasa entrada ng kanyang lupang sakahan si Tagapul-an, Samar Mayor Vicente Limpiado Jr. bandang alas-8:50 ng umaga nitong Miyerkoles, nang bigla na lamang siyang tambangan ng hindi pa nakikilalang gun man at pinaputukan siya ng ilang beses.

Kaagad namang nakatakbo si Limpiado ngunit tinamaan ng bala sa bandang likuran, kaya agad na dinala sa isang ospital sa Catbalogan City at patuloy pang ginagamot.

Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng Samar police ang motibo sa pag-ambus kay Limpiado matapos makatakas ng suspek.

Nangangalap pa ng ebidensya ang mga pulis para makilala ang suspek.

Leave A Reply

Your email address will not be published.