Abante Tonite Interactive

Mayor sapaw sa mga kandidato

221

Nagmukhang konsehal daw ang mga kandidato sa pagka-senador ­dahil sa larawan ng isang ­lokal na opisyal ng pamahalaan.

Napadayo daw kasi ang grupo ng kandidato para mangampanya at naging host itong lokal na opisyal.

Pero ayon sa info ng Tonite, nagulat ang mga kandidato dahil maliliit lang ang kanilang larawan as in parang mga konsehal ang kanilang dating.

Itong lokal na opisyal naman, aba’y pagkalaki-laki ng picture na lagpas pa yata sa tangkad ni Yao Ming na 7’5”.
Hindi naman ma­kaangal ang mga kandidato dahil ayaw naman nilang ipahiya ang lokal na opisyal lalo pa’t dito sila nagpapatulong para makakuha ng malaking boto para sa darating na halalan.

Clue: Ang lokal na opis­yal na nanapaw ng ­litrato ng mga kandidato sa pagka-senador ay kila­lang tigasin. Kaya nitong manuntok ng tao na hindi makukulong.