Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mayor Sara ayaw masama sa presidential bet survey

0 139

Hiniling ni Davao City Mayor Sara Duterte sa mga pollster na huwag nang isama ang kanyang pangalan sa mga gagawin pang survey kaugnay sa mga posibleng kandidato sa pagkapangulo sa susunod na eleksyon.

Ito’y kasunod ng kanyang pangunguna sa listahan ng mga presidential bet, sa ginawang survey ng Pulse Asia.

Sa ulat, sinabi ng alkalde, na malayo pa sa isipan ng maraming Pilipino ang darating na 2022 national election, ngayong nararanasanan pa rin ang mga hamon dulot ng pandemya.

“We focus, firmly, on how to survive the economic and humanitarian crisis still in front of us,” pahayag ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte. Dagdag niya, “We continue to battle the effects of COVID-19 on our people and our country. Nevertheless, I respectfully suggest to survey organizations to remove my name from the choices.”

Sa nasabing survey, lumalabas na nangunguna si Mayor Sara sa iba pang mga presidential bets at nakakuha ng 26% rating.

Sinundan siya nina Senador Grace Poe at dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na nag-tie sa pangalawang pwesto.

Kasama rin sa survey ang pangalan ni Vice President Leni Robredo, at mariin din nitong sinabing wala pa sa kanyang isipan ang susunod na eleksyon. Nakapokus umano ang pangalawang pangulo para matulungan ang mga Pilipino na makabangon mula sa mga naranasang kalamidad.

“Masyado pang maaga para sa pamumulitika at pakikipag-gitgitan para sa eleksyon,” ayon kay Office of the Vice President (OVP) spokesman Barry Gutierrez.

Leave A Reply

Your email address will not be published.