Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mayor Sara bumalik sa Hugpong

0 57

Binalikan ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang Hugpong Ng Pagbabago (HNP) na matatandaang kinalasan niya bago naghain ng kandidatura sa pagka-bise presidente.

Sa kanyang pagbabalik ay nanumpa ang alkalde bilang chairperson ng HNP kahapon.

Ito’y sa kabila ng nauna na ring panunumpa ni Mayor Sara sa Lakas-Christian Muslim Democrats kung saan ay inalok din siya para pamunuan ito bilang chairperson ng partido na kanya namang tinanggap.

Ayon sa inilabas na pahayag ni HNP secretary general Anthony Del Rosario, wala naman umanong paglabag o pagbabawal sa alinmang Constitution and Bylas ng dalawang partido kung sabay ang pagsisilbi ni Mayor Sara bilang chairperson. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.