Abante Tonite Interactive

Mayor Sara dedma kay Digong, bumiyahe sa US

603

Habang pursigido si Pangulong Rodrigo Duterte na putulin ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika, tila walang pakialam si Davao City Mayor Sara dahil kasalukuyan itong nakikipagpulong sa mga kinatawan ng US State Department para sa isang leadership program.

Nasa Washington D.C. ngayon si Mayor Sara para sa International Visitor Leadership Program na pangunahing proyekto ng professional exchange program ng US State Department.

Sa serye ng Twitter post ni US State Department policy adviser Michael Duffin, makikitang abala ang presidential daughter sa pakikipag-usap sa kanyang mga American counterpart.

Ang nasabing programa ay nakapokus sa mga kaalyadong ahensiya na nakikipaglaban kontra te­rorismo.

Nakibahagi si Mayor Sara sa US Mayors’ Fellowship Winter Meeting kasama ang mga kapwa niya mayor na sina Los Angeles, California Mayor Eric Garcetti; Chattanooga, Tenessee Mayor Andrew Lawrence Berke; at Louisville, Kentucky Mayor Greg Fisher.

Nagkataong lumahok si Mayor Sara sa US-sponsored program habang galit na galit ang ama nitong si Pangulong Duterte sa US matapos kalselahin ang US visa ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa. (JC Cahinhinan)