Abante Tonite Interactive

Mayor Sara, Erap sanib-puwersa sa 2019 election

By
1,171

Inaasahang darating nga­yong Lunes ng umaga si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa lungsod ng Maynila para lumagda sa isang alyansa sa pagitan ng kanyang Hugpong ng Pagbabago (HNP) at ng Puwersa ng Masang Pilipino (PMP) ni Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada.

Idaraos ang pormal na pagsasanib-puwersa ng HNP at PMP sa San Andres Sports Complex ganap na alas-siyete ng umaga.

Ayon kay Mayor Sara, ikinatutuwa niya ang nabu­buong pakikipagkaibigan ng HNP sa iba pang partido politikal na sumusuporta sa administrasyon ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte.

Abante Hiring – IT dep

Sinabi naman ni Estrada na patuloy na susuportahan ng kanyang liderato ang mga programa ng administrasyong Duterte, partikular na ang mga proyektong tumutulong para maiangat ang buhay ng mga mahihirap.

Sinabi rin ng alkalde na hindi dapat maglaban-laban at magkahati-hati ang mga Pilipino.

“Dapat ang kalaban natin ‘yung mga kriminal, mga terorista, ‘yung kahirapan, ‘yun ‘yung totoong kalaban natin as Filipinos, hindi ‘yung kapwa natin na Pilipino,” giit pa ni Estrada bilang suporta sa Pangulo laban sa mga pag-atake rito kaugnay sa paraan ng paglulunsad ng pamahalaan ng giyera kontra krimen partikular sa iligal na droga.