Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mayor Sara inuurot tumakbo sa 2022

0 156

Hindi papayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo sa 2022 presidential elections ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sinabi ng Pangulo na marami ang nag-uudyok sa kanyang anak na tumakbong presidente subalit sinabihan niya ito na huwag magpadala sa nga nanghihikayat sa kanya.

“My daughter inuudyok man nila, sabi ko my daughter is not running. I have told Inday not to run kasi naaawa ako sa dadaanan niya na dinaanan ko. Hindi ito pambabae,” sabi ng Pangulo.

“The emotional set-up of a woman and a man is totally different. Maging g@*%* ka dito. That is the sad story. But may mga tao na pursigido,” aniya pa. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.