Abante Tonite Interactive

Mayor Sara itinatwa ang suporta kay Jay Sonza kapalit ni Andanar

By
1,256

Pinabulaanan ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang ulat na suportado nito si da­ting broadcaster Jay Sonza para maging susunod na pinuno ng Presidential Communications Ope­rations Office (PCOO).

Sa isang text message, sinabi ni Mayor Sara na hindi nito alam na target ni Sonza ang posisyong pinangangasiwaan ni PCOO secretary Martin Andanar.

Hindi aniya sigurado ng alkalde kung nagkita na sila ni Sonza pero batid nitong malapit ito kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“ I am not aware that Mr. Sonza is seeking a PCOO post. I’m not sure if I have ever met him, I cannot remember any meeting whether casual­ or official. But I know he is very close to Pre­sident Duterte,” ani Ma­yor Sara.

Sinabi naman ni secretary Andanar na nasa pagpapasya ng Pangulo kung nais na siyang pa­litan sa puwesto.

“We all serve at the pleasure of the President,” ang maiksing pahayag ni Andanar.