Abante Tonite Interactive

Mayor Sara nakiusap sa mga magulang na pabakunahan ang anak

209

Nanawagan si Davao City Mayor Sara Duterte sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak para na rin sa proteksyon ng mga ito laban sa sakit.

Inihayag ito ng alkalde kasunod na rin ng tigdas outbreak sa Metro Manila at iba pang rehiyon sa bansa.

Aminado si Duterte na hindi mapupuwersa ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang anak dahil na rin sa kontrobersiyang nilikha ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia.

Kinakailangan lang anya maipaliwanag mabuti sa mga magulang na mas ligtas ang kanilang mga anak sa sakit kung mababakunahan ang mga ito.