Abante Tonite Interactive

Mayor Sara, Pulong pipigilang mag-presidente

459

bY Aileen Tali­ping

Sinabi ng Pangulo na idi-discourage niya ang dalawang anak na sumunod sa kanyang yapak bilang presidente dahil naaawa siya sa mga ito.

Tiyak aniya na lahat ng klase ng paninira ay gagawin kina Mayor Sara at Congressman Pulong kapag naisipang mag-presidente kagaya ng ginagawa sa kanya ngayon ng oposisyon at mga kritiko.

“I am stating publicly now that I am discouraging my daughter to run for any national office. Sabihin ko kay Inday pati kay Pulong, it doesn’t pay. Huwag ‘day, magdusa ka,” anang Pangulo.

Nakikita aniya ng mga anak niya ang ginagawang paninira sa kanya ng kanyang mga kalaban, at ginagawa pa siyang drug pusher.

Sinabi ni Pangulong Duterte na hangga’t may mga politikong kagaya ni Senador Antonio Trillanes IV at ang kanyang Magdalo, pati na ang Otso Diretso ay walang mangyayari sa bansa dahil sa tingin nila ay sila lang ang marunong.

Naniniwala ang Presidente na mayroong tamang panahon para sa lahat, batay aniya sa nakasaad sa Ecclesiastes ng Bibliya.

“As long as we have politicians like Trillanes, itong mga Magdalo, akala mo kung sila lang ang marunong. They think they ar the only patriots of this country, ‘yung mga Otso Diretso,” dagdag ng Pangulo.

Makailang beses nang inihayag ni Pangulong Duterte na kung siya ang masusunod ay hindi niya papayagang tumakbo sa pagka-presidente si Mayor Sara dahil baka mangyari sa anak ang ginawang paninira sa kanya ng oposisyon at mga kalaban sa politika.