Abante Tonite Interactive

Mayor Sara tatakbong presidente sa 2022– Trillanes

By
1,738

Itutulak diumano ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa 2022 presidential elections.

Ito umano ang huling baraha ng Pangulo kapag hindi umubra ang pagbabad niya sa kapangyarihan tulad ng pinaplanong pagdeklara ng Martial Law, Revolutionary Government at pagpapa-amiyenda sa Konstitusyon.

“Kapag hindi natuloy ‘yan, wala na siyang magagawa. Option C niya itutulak niya si Sara Duterte bilang pangulo sa 2022, pero ang unang hakbang niyan ay itulak siya para senador sa 2019,” pahayag ni Senador Antonio Trillanes IV sa general assembly ng Tindig Pilipinas, isang koalisyon ng mga taga-oposisyon.

Minsan nang sinabi ng Pangulo na gusto niyang ang kaniyang anak na babae ang pumalit sa kaniya sa puwesto. Noong nakaraang linggo, nagbiro si Duterte-Carpio puwede siyang tumakbo sa pagka-pangalawang pangulo.