Abante Tonite Interactive

Mayorya ng mga Pinoy pabor sa nationwide ban ng single-use plastic

342

Pito sa 10 Pilipino ang nagsabi na payag silang i-ban ang single-use plastic sa buong Pilipinas.

Resulta ito ng isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) na kinomisyon ng Global Alliance for Incinerator Alternatives.

Isinagawa ang survey ng September 27-30, 2019 sa 1,800 Filipinos nationwide.

Samantala, 71% naman ng mga Pilipino ang nais na magkaroon ng regulation sa paggamit ng plastic “sando” bags habang 66% sa mga plastic straw. (Issa Santiago)