Abante Tonite Interactive

Maypagasa sinuportahan ang Manila Bay rehab

191

Ang bagong-inilunsad na proyekto sa DENR na binansagan “Battle for Manila Bay” ay tumanggap ng malakas na suporta mula sa kilusang Maypagasa, isang multi-sektoral na grupo umaako sa adbokasiya para sa mabuting pamamahala, malinis na kapaligiran, at sa pag-unlad ng pamayanan (sa pamamagitan ng mabuting kalusugan ng mamamayan, mabuting ekonomiya, at seguridad sa pagkain).

Binanggit nito ang kamakailan-lamang na pahayag ni DENR Secretary Roy Cimatu, binigyang-diin na “lutasin ng ahensya na maibalik ang Manila Bay sa dati nitong kaayayang tanawin at malinis na kapaligiran”. Gayundin naman ang Kilusang Maypagasa ay suportado ang Philippine Clean Air Act at iba pang environmental laws. Na kung saan ay kasama sa “core values” ng Maypagasa upang makamit ang tunay na tranpormasyon sa lahat ng aspeto ng buhay ng mga Filipino sa kasalukuyan at paghahanda sa darating pa na henerasyon.

Ayon sa balita, noong nakaraan pang buwan inaprubahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang rehabilitasyon ng Manila Bay na minungkahi ng DENR. Ang ibang departamento ng gobyerno ay inatasan din sa programa ng paglilinis ng Manila Bay, katulad ng tourism, interior & local government, trade & industry, defense, at science & technology.