Abante Tonite Interactive

Mayumi handang magpasilip ng pechay

0 592

May bagong ‘Diyosa’ ang pamosong manager na si Jojo Veloso. Ito’y si Mayumi Green na palaban sa hubaran.

Gusto niyang mag-artista, at willing lumabas sa mga seksing pelikula.

Walang kiyemeng maglantad ng katawan kung kailangan sa istorya.

Abante Hiring – IT dep

Isang umaga, dumating si Mayumi sa condo ni Mudra (tawag kay Jojo).
Tinanong kung ano ang sadya niya.

“Gusto ko pong mag-artista.”

May tanong sa information sheet kung payag ba siyang magsuot ng swimsuit. Malaking ‘yes’ ang pakli niya.

“I can pose naked if the story calls for it,” dagdag pa niya.

Hindi pa nagwawakas ang pagma-manage ni Tito Jojo sa mga sexy star dahil kay Mayumi. Mukhang may susunod pa sa yapak ng mga pinasikat niyang sina Aya Medel, Ana Capri, Via Veloso at Ina Raymundo.

Sinabihan din siya ni Mudra na hindi ganoon kadali ang maging sex symbol.

“Kakayanin ko kasi alam kong diyan ako makikilala at liberated po ako. Wala akong ka-arte arte sa katawan,” deklara ni Mayumi.

Biglang napasigaw si Tito Jojo ng, “Wow, ikaw na nga!” (Roldan Castro)