Abante Tonite Interactive

MayWard kanselado ang taping sa Japan

643

Postponed muna ang filming ng bagong teleserye nina Edward Barber and Maymay Entrata na “Heart to Heart” dahil sa coronavirus outbreak. Sa Japan kasi pala kukunan ang malalaking eksena ng serye kaya tila iibahin na ang location.

“Kasi ngayon po iniaayos ang script namin dahil sa coronavirus. Laging safety first lalo na ngayon. ‘Yung location kasi na target namin is Japan,” ang sabi ni Maymay in a recent interview.

Ayon naman kay Edward, hindi naman daw kailangang magmadali.

“Let’s just see what happens. Pray for it. I’m sure things will be fine. It’s just a little bit of pause and re-evaluate. It’s not something to rush,” sey ng young actor.

Matatandaang earlier this year ay inanunsyo ng ABS-CBN na finally ay magkakaroon na ng first full-length teleserye ang MayWard love team at sobrang ikinatuwa ito ng kanilang mga fans.

Nalungkot man ang fans ngayon sa pagka-delay ng serye, agree naman sila na safety comes first and willing naman daw silang maghintay.

Marcelito nganga sa premyo ng ‘AGT’

Wala palang nakuhang cash prize si Marcelito Pomoy bilang third runner-up ng “America’s Got Talent: The Champions”. Ito ang ini-reveal niya sa nakaraang interview niya with MJ Felipe ng ABS-CBN.

“Wala talagang premyo ‘yan,” he said. “Champion lang talaga (ang may cash prize).”

Aniya ay okay lang naman daw ito sa kanya.

“Kung anuman ang binigay ng Diyos sa akin, okay lang, tanggap ko naman,” aniya.

Nagpapasalamat nga raw siya dahil because of “AGT: The Champions” ay napakarami niyang inquiries na natanggap para mag-show at ngayon nga raw ay kabi-kabila na ang schedules niya for international shows.

“Kagagaling lang namin ng Singapore, nag-Japan, Indonesia, after nito, Canada, after Canada, Australia. After Australia, US na, Hawaii,” sey pa niya.

Bagama’t nanghinayang siya na hindi siya nag-champion, malaking bagay na rin daw na nakilala siya all over the world.

Janno nag-sorry sa pambibitin

Nag-apologize naman publicly si Janno Gibbs sa hindi niya pagsipot sa concert nina Jennylyn Mercado and Dennis Trillo na “CoLove Live” na ginanap last Feb. 15. Isa sa guest performers ang singer pero bigla na lang inanunsyo ni Jen that night na hindi nga raw ito makakarating at sa halip ay si Nar Cabico ang sumalo sa duet number nila ng aktres.

Paliwanag ni Janno sa kanyang Instagram account, nagkasakit siya at nawalan ng boses.

“First of all..Congrats JenDen for a sold out successful concert! I would like to publicly apologize for not making it to the concert.

“Was excited to be part of this milestone.Unfortunately,i had been shooting 2 movies at the same time..which resulted to my getting sick.

“I called Jennylyn 2 days before the show..saying i dnt have the voice to sing our duet.

“Again so sori to JenDen and their audience for my absence,” ang post ni Janno.