Abante Tonite
Mabilis sa Balita

MayWard nagkapatawaran

0 370

Nagkaroon ng heart-to-heart talk ang magka-loveteam na sina Edward Barbers at Maymay Entrata sa finale season ng online show ng aktor na Kwentong Barber last Wednesday.

Sa nasabing episode ay first time na tinanong ni Edward si Maymay kung ano ang opinyon nito sa nangyaring mga issues noong 2020 at halatang nabigla ang aktres.

Simula ni Edward, “2020, crazy year. A lot of stuff was said about me, a lot of stuff was rumored about me. Yeah, a lot of things. And I’m looking back on it right now, and it was a process together to just get over, to just think about. Ano ‘yung thoughts mo about that?

“Going through that, especially when all these things were said, how did you feel about that then? Kasi I never asked you. I never got to talk to you about it. A lot of things that were not true were said, I never got to really clear up everything with you.”

Hindi agad nakasagot si Maymay. Aniya, “wow, biglaan ‘to” at nagbiro ng “Tito Boy (Abunda), ikaw ba ‘yan?”

Pero pagkatapos nito ay seryosong sinagot ni Maymay ang tanong ni Edward.

“As a friend mo na kilala ka na since 2016, nakita kitang alam mo ‘yun, na na-experience mo ‘yung last year na nakita kitang sobrang hirap na hirap ka kung paano mo i-handle ‘yung pressure, ‘yung rumor na ‘yun, ‘yung mula sa ‘yo.

“Sobrang na-feel bad ako, alam mo ‘yun. Mula nang nakita ko ‘yun, talagang pinagtrabahuhan nating dalawa kung ano ba ‘yung magagawa ko para lang ma-stop ‘yun.

“Pero ‘yun nga, kahit anon’g gawin natin, kahit anon’g sabi natin, may iba talaga na hindi tumitigil.

“Kasi, gaya ng sinabi mo, hindi naman talaga natin nabigyan ng chance na i-open-up natin ‘to kahit sa personal. Hindi ko alam kung ano ‘yung buong nangyari talaga. Bigla na lang nag-pop out ‘yung mga rumor na ganu’n.

“Hindi kita tinanong. Hindi kita tinanong kung totoo ba o hindi. Ang alam ko lang, kahit hindi kita tinanong, pero sigurado ako sa sarili ko dahil kilala na kita, alam kong may mga bagay na hinding-hindi mo talaga magagawa ‘yun.

“At siguro, gusto ko ring sabihin sa ‘yo na ang Ang importante ay kaming mga naniniwala sayo at kilala ka. Siguro, importante na enough na yung alam namin yung totoo at ‘di mo na kailangan na gawin pa ang mga bagay para lang makapagpasaya du’n sa mga tao, kung ano ‘yung approval nila. Kasi kahit anon’g gawin mo, hinding-hindi mo lahat mapi-please talaga,” mahabang sey ni Maymay.

Bagama’t hindi nila idinetalye kung ano ang mga partikular na issues kay Edward, ani Maymay ay dumating daw sa point na nadamay na ang pamilya ng aktor pati na ang mga matatalik nitong kaibigan at mahal sa buhay.

Ani Maymay ay ramdam na ramdam niya ang mga pains and struggles na dinaanan ni Edward. Humingi siya ng pasensiya sa ka-loveteam for not being there at that time,

“Gusto ko rin humingi ng pasensya sayo kung hindi enough yung bilang isang kaibigan na paano kita poprotektahan. Kasi nung time na yun may hindi tayo pagkakaintindihan, alam mo ‘yun? Tapos, nangyari sa ‘yo yun. Sorry kung wala ako roon sa time na sobrang. . .” sabi ni Maymay.

Pinutol siya ni Edward at sinabing “I have to say, May, you did nothing wrong, absolutely nothing. Hindi, I have to say this, forget the show. You did nothing wrong. You did everything right. Even when we worked together sa movie, you had my back. You supported me. And thank you for that. Hindi mo alam yung weight na na-lift sa chest ko after hearing those words.

SM food to go Banner Ad

Sinabi rin ng aktor kay Maymay na siya man ay may pagkakamali at isa na rito ay masaktan niya ang dalaga.

“I’ve made my own mistakes, realizing stuff through failure and it’s one of the reasons why until now there are certain things I have struggles forgiving myself for.

“One of them is putting you in a situation where you got hurt or other people got hurt and there are reasons why I have to find my forgiveness in God,” ani Edward.

Pagkatapos nito ay nag-sorry rin si Edward kay Maymay.

“I’m just sorry that I had to put you. . .from the bottom of my heart, I’m really sorry that I allowed you to be put in a situation like that or that you had to go through that,” sey ni Edward kay Maymay.

Nagpasalamat din siya sa suporta ng ka-loveteam at aniya, “like you said, God’s plans are better than ours.”

Ayon naman kay Maymay, proud siya kay Edward sa growth ng faith nito kay God.

“Gaya mo, na-rescue ka rin ng Panginoon,” she said.

Luis nagparamdam sa politika

Nagpa-question-and-answer si Luis Manzano sa kanyang mga followers sa Facebook via livestream at isa sa natanong ay kung may balak siyang pumasok sa politika.

“Wala pa, pero malay natin, Nakikita ko, baka naman na sa horizon ‘yan — ang pagiging isang politiko. Dahil naniniwala nga ako na lahat tayo meron tayong obligation o responsibility to serve.

“We have different capacities. Puwedeng from a simple act of service, or pwedeng through public service talaga. So, para sa akin, hindi ko sinasara ang pinto ko sa politika,” pahayag ni Luis.

Pagkatapos nito ay siya naman ang nagtanong sa followers. Aniya, “pero ang tanong, ito ang pinaka magandang tanong — kung sakali ba na tumakbo ako, iboboto n’yo ba ako? May tiwala ba kayo sa akin pagdating sa boto ninyo? Iyon ang pinaka magandang katanungan.”

May mga sumagot naman ng positibo at kinukumbinsi siyang tumakbo kaya nagpasalamat si Luis.

“Maraming maraming salamat sa kumpiyansa na ‘yun. Well, tingnan natin kung tatakbo ako, tingnan natin kung anon’g posisyon. Thank you so much na so far, maraming may tiwala naman sa akin pagdating sa public service,” saad ni Luis.

Patuloy pa rin ang magagandang komento ng mga netizen tungkol sa pagpasok niya sa politika kaya sey ulit ni Luis, “ano gusto n’yo ba? Ang filing ng candidacy ay October, kung hindi ako nagkakamali. Puwedeng-puwede pang humabol, kung sakali man.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.