Abante Tonite Interactive

MayWard parang galing sa honeymoon

2,450

Ibinuking ni Ryan Bang na iba raw ang sweetness ngayon nina Maymay at Edward. Nakasama na raw niya ito sa first movie ng MayWard na Loving in Tandem pero iba raw ang dalawa ngayon.

“Sa Loving In Tandem, hindi ko masyadong naramdaman ‘yung sweet(ness) nila, kasi si­guro, napupuyat sila, napapagod. Pero dito, parang akala mo, ga­ling silang honeymoon, eh. Ganu’n sila, sobrang sweet sila, eh. Kaya nga lumalayo na ako sa kanila, eh. Kasi sobrang sweet,” pagbubuking ni Ryan.

Pero napuri rin niya ang magka-loveteam sa malaking improvement ng dalawa sa pag-arte lalo na nga raw ang Tagalog ni Edward.

“Sa Loving in Tandem, umabot sila mga take 12? Take 11? Pero dito, halos lahat, take 1 sila. Sobrang galing. Nagulat ako, hindi ko alam kung ano ang kinain nila pero after Lo­ving in Tandem at dito, sobrang galing nila.

“Saka nagulat din ako kay Edward kasi sa Loving In Tandem, medyo nahirapan siya sa pag-memorize ng Tagalog, dito sobrang galing niyang mag-me­morize, ang galing niyang magsalita ng Tagalog,” kwento pa ni Ryan.

Sa presscon ng ‘DOTGA: Da One That Ghost Away’ ay kapansin-pansin nga na malaki ang improvement ng closeness nina Maymay at Edward compared sa presscon ng Loving In Tandem noon. Parang sobrang kumpor­table na nila ngayon sa isa’t isa at mukhang super-close na talaga nila unlike before na may ilangan pa.

Kapartner si Ryan: ‘Wala naman ‘yan sa itsu hayaan mo na’ — Kim

From Gerald Anderson sa teleseryeng Ikaw Lang ang Iibigin, marami ang nasorpresa na si Ryan Bang naman ang leading man ni Kim Chiu sa comedy-horror flick na DOTGA: Da One That Ghost Away under Star Cinema mula sa direksyon ni Tony Y. Reyes.

Ito ang first lead role ni Ryan at siyempre, hindi maiwasan na marami ang kumukuwestiyon na bakit siya ang napiling maging leading man ni Kim.

Pero kung ang aktres ang tatanungin, perfect na perfect daw kay Ryan talaga ang role at nang una nga niyang malaman na ang comedian/TV host ang kanyang leading man ay natuwa siya.

Ang una raw munang tanong sa kanya ni Direk Olive Lamasan ng Star Cinema ay kung gusto niyang gumawa ng kakaiba. So, tinanong naman daw niya kung gaano kakaiba.

“Sabi niya, ‘iba, pero horror pa rin,’ sabi ko, ‘ay, gusto ko po ‘yan,’ tapos pumasok na ‘yung mga creative, ganyan, ‘Kim, ganito kasi…’ Kinuwento muna nila, tapos tawang-tawa ako,” kuwento ni Kim sa grand media launch ng DOTGA.

Umokey na raw siya agad kahit hindi pa niya alam kung sino ang makakasama niya. Nang tanungin daw niya kung sino-sino pa ang ibang cast at sabihin ngang si Ryan, hindi pa siya makapaniwala pero na-imagine niya raw agad na bagay nga ito sa role.

“Ako naman, ngayon, open naman ako sa kahit sino ‘yung makaka-partner ko. Wala naman ‘yan sa kung sino ang makakasama mo, eh. Ang importante is makapag-deliver ka ng magandang nakakatakot and nakakatuwang pelikula,” she said.

So, wala bang worry sa kanya na from Gerald ay biglang si Ryan naman ang kapareha niya?

“Wala, wala naman ‘yan sa mga itsu-itsu (hitsura), hayaan mo na sila. Eto, kay Ryan ‘to. So, deserved niya ‘to dahil ang tagal din ng hinintay niya. And then, eto ‘yun. Pinakita niya, hindi siya nag-fail as in sobrang bigay-todo.”

Talaga naman daw binigay ni Ryan ang lahat ng best nito sa pelikula.

“Si Ryan, sobra niyang ginagalingan dito, gusto niya talagang maging. . . hindi siya kasi makapaniwala na bida siya. Ayaw niya nga munang lumabas sa bibig niya na first time niya na magbibida siya, eh. So parang masaya ako para sa kanya kasi lahat naman tayong mga artista, kanya-kanyang chance and kanya-kanyang break,” sey pa ni Kim.

Sa April 18 ang showing ng DOTGA na tamang-tama naman for her birthday on April 19. Birthday wish nga raw niya na sana raw ay panoorin ng mga tao ang pelikula dahil talaga raw binigay nila ang 101% nila.

When asked kung ano naman ang kanyang personal wish sa birthday niya, aniya ay wala raw.
“Wala akong personal wish, kasi gusto ko, panoorin ng lahat ng tao ito. Ngayon lang ako nag-wish ng para sa project ko. Mamaya na ‘yung self ko, okay pa naman ako,” she said.

Kasama rin sa DOTGA ang MayWard loveteam na sina Maymay Entrata at Edward Barber, Enzo Pineda, Chokoleit, Moi Bien, Pepe Herrera, Lassy Marquez, Odette Khan at marami pang iba.