Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mayweather kinapitan ni Joshua

0 512

Matunog ngayon ang namamagitan kina World Boxing Association (WBA), International Boxing Federation (IBF) at World Boxing Organization (WBO) heavyweight king Anthony Joshua ng Britain at retired boxing legend Floyd Mayweather Jr. ng United Sates.

Ito ay sa paghahanda ni Joshua sa planong pakikipagbanatan sa kalahi na si World Boxing Council (WBC) heavyweight champ Tyson Fury.

Hindi itinanggi ni Floyd ang komunikasyon niyang madalas sa kasalukuyan sa Briton para sa nilulutong laban ng magkakabayan kung saan sinasabing handa ring turuan nang may 50-0 record na boxing champ Floyd si Joshua.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“We communicate all the time, we talk all the time,” ani Floyd Linggo. “I look forward to working with Anthony Joshua real soon.”

Ramdam din ang presensya ni Mayweather sa laban ni Joshua kontra Kubrat Pulev ng Bulgaria noong Disyembre 2020 nang manood sa ringside.

Wala pa lang kumpirmasyon sa petsa ng Joshua-Fury fight. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.