Abante Tonite Interactive

Mayweather takot kay Pacman

596

Masasaktan lang!

Sa tingin ng isang sports analyst, dapat manatiling retirado na lang si Floyd ‘Money’ Mayweather, Jr., dahil kung sakaling kumasa ito sa rematch kay Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao ay pihadong madudu-ngisan lang ang kanyang busilak na ring record.

Ayon kay Fox Sports anchor Skip Bayless, ito na ang pinakamagandang kondisyon ni Pacquiao buhat sa mga laban niya sa mga nakaraang taon.

Pinagmukha umano ng 40-an-yos na kukupad-kupad ang inagawagan ng World Boxing Ass super welterweight champ na si Keith Thurman.

“What a fight. I had Manny close, and he won it as he deserved to. Haven’t seen him this quick & explosive in several years. Made Thurman look slow,” ayon kay Bayless.

Sa nasabing laban, pinatikim ni Pacquiao ng knockdown si Thurman sa first round pa lang, at nagtuloy-tuloy ang malulupit na banat ng ‘Pambansang Kamao’ sa mga sumunod na yugto.

Tingin pa ni Bayless, kapag nagkatapat sina Manny at Floyd ngayon ay walang dudang dudurugin ang Kano ng legendary Pinoy boxer.

“Floyd would want none of Manny right now. Floyd would get hurt,” giit ng sports personality.

“Manny Pacquiao has gotten serious about holding off Father Time. What amazing shape he has gotten himself in. Looked as quick as ever, especially with his right. Guts&guile. Not done yet,” aniya pa. (Ray Mark Patriarca)