Abante Tonite Interactive

Mayweather talsik bilang Forbes’ highest paid athlete

629

Napalitan si Floyd ‘Money’ Mayweather Jr. bilang pinakamalakas kumitang atleta sa listahan ng Forbes.

Ayon sa business magazine, si Barcelona football star Lionel Messi na ang highest paid professional athlete sa nagdaang taon.

Humamig ng US$127M ang Argentinean sa kanyang sweldo bilang manla-laro at mga endorsement, sumungkit ng kampeonato sa La Liga ngayong taon at isa sa kanilang sinandigan nang umiskor ng 36 goals.

Pangalawa ang isa pang football athlete na si Juventus player Cristiano Ronaldo ($109 million), ikatlo si Brazilian Neymar ($105 million), Mexican boxer Canelo Alvarez ($94 million) at Swiss tennis great Roger Federer ($93.4 million).

Bukod sa nabaklas sa top spot na tinanganan noong Hunyo 2018, wala ang pangalan ni Mayweather sa Top 10 ngayong taon, tanging exhibition match sa Japan lang naging aktibidad niya sa ring sa taong ito.

May 62 namang Amerikano ang napabilang sa listahan, lima mula UK, tatlo sa France at Spain, habang may tigdadalawa ang Brazil, Canada, Dominican Republic, Germany, Serbia at Venezuela.

Naka-$285M kita si Mayweather sa pamamayagpag sa nakalipas na taon. (RMP)