Abante Tonite Interactive

Mayweather umeksena sa Pacquiao-Thurman fight

514

‘Di man sinasadya, umagaw pa rin ng eksena si Floyd Mayweather Jr. ng Estados Unidos sa Manny Pacquiao-Keith Thurman fight Sabado ng gabi sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Bago ang bakbakan para sa WBA super welterweight world championship, umakyat ng ring si Mayweather.

Binati ng American boxer ang dalawang fighter, binulungan ng good luck.
‘Di umalis ang 42-year-old retired undefeated boxer, tahimik na nanood sa kanyang puwesto sa gitna ng crowd.

Abante Hiring – IT dep

Sa parehong arena tinalo ni Mayweather ang noo’y injured sa balikat na si Pacquiao apat na taon na ang nakakaraan.

Ilang beses nang nabanggit noon ng trainer ni Pacquiao na si Freddie Roach na umaasa siyang babalik mula retirement si Mayweather para magkaroon ng rematch.

Walang sagot dito si Money Man. (VE)