Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mccarthy, Dyip sinagasaan Aces

0 87

Iginapang nina Rashawn McCarthy, Aldrech Ramos at Juami Tiongson ang 105-89 panalo kontra Alaska sa third game ng triple-header sa Don Honorio Ventura State U sa Bacolor Linggo ng gabi.

Tumapos si McCarthy ng 19 points, may tig-17 sina Tiongson at Ramos. Pigil sa 16 minutes ang may iniindang si Roosevelt Adams pero naka-17 points at 8 rebounds din.

Angat sa 4-7 ang Dyip kabuhol ang Phoenix, pareho pang may tsansang makitabla sa 8th spot na huling bibiyahe sa quarterfinals ng PBA Philippine Cup.

Tinapos ng Aces ang back-to-back-to-back games sa 1-2 tungo sa 3-6 overall, kailangang maipanalo ang last 2 games para umusad sa next round.

Sa first game, binutata ni Greg Slaughter ang tira ni Gabe Norwood sa buzzer at napreserba ng NorthPort ang 91-88 overtime win laban sa Rain or Shine.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nagsumite si 7-foot Slaughter ng 25 points, 11 rebounds at 6 blocks para isampa sa 5-5 ang Batang Pier. Nagdagdag si Robert Bolick ng 24 points at 7 assists, may 8 points, 14 rebounds at 5 blocks pa si Jamie Malonzo.

Umiskor si Paul Lee ng 32 – 18 dito sa fourth quarter – at pinulutan ng Magnolia ang San Miguel Beer 100-90.

Tinapos ng Hotshots ang 11-game eliminations sa 8-3, may tsansa pang makipag-agawan sa 7-2 Meralco sa No. 2 spot at twice-to-beat bonus sa quarterfinals.

Kumakapit sa 4th place ang SMB (6-4). (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.