Abante Tonite Interactive

McCoy basted kay Miles

861

Aminado si Miles Ocampo na nagparamdam sa kanya ang Kapamilya actor na si McCoy de Leon.

Gayunpaman, noong una pa raw ay prinangka na niya ito na mas mabuting maging magkaibigan na lang sila.

Pinangangatawanan naman ni Miles ang sinabi niya noong “no boyfriend since birth” siya.

“Noong bata kasi ako, siguro mga 9 pa ako. Sabi ko, pagdating ng 22, mag-aasawa na ako tapos ‘pag 23 na ako, magkakaanak na ako, pero hindi pala ganoon kadali iyon,” aniya.

Hindi naman napi-pressure si Miles kung ang mga kapanabayan niya ay nagkaroon na ng mga dyowa.

Keber din siya kung pagdudahan siyang lesbyana.

Nananatiling crush daw niya sina Sam Milby at Zanjoe Marudo pero hanggang crush lang daw dahil parang mga kuya na ang turing niya sa mga ito.

Sey pa ni Miles, enjoy siya sa kanyang single blessedness at nakapokus siya sa kanyang karera.

Katunayan, gusto niya ring karerin ang pagiging screenwriter.

Si Miles, kasama ang iba pang celebrities tulad nina Bea Alonzo, Bela Padilla, Cherie Gil, Agot Isidro, Meryll Soriano, Xian Lim, Kiko Estrada ay ilan lamang sa mga produkto ng screenwriting workshops ng master screenwriter at Plaridel awardee na si Ricky Lee. (Archie Liao)