Abante Tonite
Mabilis sa Balita

McCoy ‘di pa okey sa ermat ni Elisse

0 289

Sa kaniyang Instagram post, pinasalamatan ni Elisse Joson ang pamilya ni McCoy de Leon sa pagtanggap sa kanila ng anak na si baby Felize

Sabi niya sa post, ” To the De Leon family, Mommy She, Daddy Lo, thank you for Mccoy. Thank you po for welcoming me and Felize into your family. I’ve always wished to have a big family someday and now our baby is very lucky to be with a big, happy family.”

Pero may mga nakapansin kung bakit walang pa-thank you sa ina ng aktres na si Dra. Barbara. Although nakita naman namin ito sa vlog ni Elisse at may larawan din na kalung kalong ang kapapanganak pa lamang na si baby Felize. Napatanong din kami kung okay na ba talaga sila ni McCoy? Pansin kasi namin na parang iwas si doktora sa mga kaganapan sa anak at piniling maging tahimik.

Matagal nawala at nagbakasyon sa Guam True enough hindi pa rin pala talaga okay. Nang kamustahin ko kasi si doktora at binati sa pagiging bagong lola ay matipid lamang ang sagot.

Sa pagtatanong ko sa malapit sa mag- ina hindi pa rin pala totally maayos.

Napakarami pala sanang projects si Elisse na gagawin pero marami dito ang hindi na matutuloy dahil sa pagkakaroon na nito ng anak.

Bilang nag-iisang anak, hindi nga siguro ganun kadaling tanggapin para sa isang single mom ang mawalay ang anak. Nasa right age na rin naman si Elisse pero ang isyu nga talaga siguro ay hindi boto ang ina kay McCoy. Pakiramdam naman namin maaayos din ito basta mag-reach out lang sina McCoy at Elisse sa ina.

DonBelle kabog ang SeathDrea ,KyCine

After the success of “He’s Into Her” series, may short film na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano titled ” Love Is Color Blind.” Ididirihe ito ng blockbuster director na si Cathy Garcia Molina.

Bahagi ito ng 2nd anniversary ng DonBelle. Ang overwhelming pa ay ang laki ng fandom nila worldwide.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Imagine nagpa-billboard sa Amerika, Switzerland at Gangnam Korea ang Titas of DonBelle Official ng poster ng upcoming movie ng dalawa.

Sa Twitter at sa ibang social media ay lagi rin silang trending. Nitong huli ay kasama rin sila sa X’mas station I.D. ng Kapamilya network, ang

” Andito Tayo Para Sa Isa’t Isa.”

Patunay lamang na ramdm ng network kung gaano sila kalakas.

Heaven inintrigang dyowa ni Kimpoy

May bagong isyu na naman kay Heaven Peralejo. Sinasabing bagong gf daw ng social media influencer na si Kimpoy Feliciano.

Sweet kasing nagsi-swimming ang dalawa sa Tinipak River. Kaagad naman pinagtanggol ni Kimpoy ang aktres at sinagot ang ilang basher sa Facebook.

“If you’re judging the person based on the things you only know from the internet, that’s on you. Sana kilalanin niyo muna yung tao on a personal level before kayo manghusga.”

Diniin nito na walang namamagitan sa kanila ni Heaven. Wala rind aw masama kung makipag-bonding sa kaibigan. Tinanggi rin niya ang relasyon sa isang fellow vlogger na si Angie Cayetano.

Leave A Reply

Your email address will not be published.