Abante Tonite Interactive

McCoy game magpasilip ng katawan

By
224

Mukhang hindi na mapigilan si McCoy de Leon sa pagpapaseksi. Game na game na kasi ang binata sa pagbuyangyang ng kanyang katawan sa IWant Series na “Project Feb. 14” ng Dreamscape Digital. Mapapanood ito sa February 9 mula sa direksiyon ni Jason Paul Laxamana.

“Open naman po ako sa kahit na anong role. Pero sigu­ro this time, hanggang doon po muna ako. Pero malay po natin. Hindi po kasi natin alam ang mga parating na projects,” sagot ni McCoy nang tanungin kung hanggang saan ang kaya niyang ipakitang flesh.

Nabuksan kasi ang usapan nang pagkumparahin ang ginawa ­nitong pagpapakita ng katawan sa naturang series. Seksi at mainit kasi ang eksena nila ni Jane Oineza.