Abante Tonite
Mabilis sa Balita

McCoy inayawan ni Elisse

0 289

NI: VINIA VIVAR

Totoo rin kaya ang tsismis na kinukumbinsi ni McCoy de Leon si Elisse Joson na lumipat na rin ng Viva? Matatandaang last month ay pumirma na ng kontrata ang nasabing young actor sa VIVA at nilayasan na rin niya ang Star Magic.

Ang tsika, gusto raw buhayin ni McCoy ang loveteam nila ni Elisse kaya kinukumbinsi niya na lumipat na rin ang young actress.

This explains kung bakit may paandar si McCoy last month kanyang Instagram na photo nila ni Elisse na nasa yate sila at hinahalikan niya ang dalaga sa noo.

Akala tuloy ng lahat ay nagkabalikan na sila. Pero napag-alaman naming luma pala ang photo na ipinost niya.

Anyway, ayon sa tsika ng Real Talks With Friends nina Roldan Castro,Mildred Bacud, Fernan de Guzman, Blessie Cirrera, Rommel Placente, Boy Romero and Rodel Fernando ay hindi raw na-convince ni McCoy si Elisse na lumipat dahil sey daw ng aktres ay happy siya sa Star Magic at may mga project siyang gagawin.

Samantala, two weeks naka-lock in sa Batangas ngayon si Elisse dahil may pelikula silang sinu-shoot with ex-Pinoy Big Brother housemate na si Gino Roque na siya ring producer ng movie.

Leave A Reply

Your email address will not be published.