Abante Tonite Interactive

McCoy kinantyawan si Joshua

667

Tinanong ng “Magandang Buhay” host na si Melai Cantiveros sina Yves Flores, Maris Racal, Julia Barretto, Joshua Garcia at McCoy de Leon kung sino ang unang isi-save kung nasa panganib sila.

Unang sumagot si Yves na si Maris ang pipiliin niya.

Sumunod na sumagot si Maris, si Julia raw ang ililigtas niya since kaibigan niya raw ito.

Si McCoy naman ay nagbiro rin, ang isi-save niya raw ay si Karla Estrada, na host din ng show. Pero sabi sa kanya ni Melai, hindi raw puwedeng si Karla. Dapat ay mamili ito sa kanilang lima. Ang safe na sagot ni McCoy ay ang kanyang sarili.

Nang turn na ni Joshua, ang sinagot niya ay ang katabi niya na si Julia. Sabay tingin dito, at nagkatawanan sila. Ang katwiran niya, dahil mas kailangan daw ngayon ng kanyang ex ang tulong. Hindi na nag-elaborate pa si Joshua kung anong ibig niyang sabihin.

Pagkasabi nu’n, niloko siya ni McCoy na bakit daw siya naiiyak. Na halata naman na talagang teary-eyed si Joshua nang banggitin ang pangalan ng dating minamahal. Ngiti lang ang sinagot ng award-winning young actor.

Nang si Julia na ang sumagot ay si Joshua naman ang binanggit niya. Naging kapareha niya raw kasi ito. (Rommel Placente)