Abante Tonite
Mabilis sa Balita

McCoy may pa-diamond kay Elisse

0 176

Last January 6 ay ipinagdiwang ni Elisse Joson ang kanyang ika-26 na kaarawan. Ito bale ang first birthday niya na isa na siyang ina. Ang baby nila ni McCoy de Leon na si Baby Felize ay 9 months old na.

Sa mismong araw ng kanyang kaarawan ay naglabas ng birthday photo si Elisse. Talaga namang pinusuan ng kanyang mga fan because of her new look (blonde hair) at nagpakita rin siya ng kaunting skin.

Pero kahapon ay muling nagpasabog si Elisse sa kanyang IG followers nang mag-post siya ng sexy photos niya wherein she was wearing a sexy one-piece swimsuit.

“Bday suit,” ang simpleng caption ni Elisse.

Needless to say, nagkagulo ang mga supporters ng aktres sa kanyang pasabog.

“Magaling Magalaga ng Babae si Mcoy Parang Prinsesa parin yung partner niya. Parang hindi nanganak,” komento ng isang netizen.

“Sexy mommy,” papuri naman ng isa niyang follower.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Hot mommy,” reaksyon pa ng isa.

“Nanganak ba yan?” tanong naman ng isa pa.

Samantala, ibinahagi rin ni Elisse sa kanyang IG ang bonggang birthday gift ni McCoy sa kanya na isang set (earings and necklace) ng diamond jewelry. Sa video na ipinost niya ay makikitang isinusuot sa kanya ng boyfriend ang kuwintas at pagkatapos ay masaya silang nagyakapan.

Sa kanyang post ay pinasalamatan ni Elisse si McCoy.

“Feeling very blessed at 26 with the people who showered me with love and well wishes 🙏🏼 thank you everyone!

“And to my love, thank you for the gift and for making me feel like I deserve the best,” she wrote.

Leave A Reply

Your email address will not be published.