Abante Tonite Interactive

Mccoy rumesbak kay Elisse

May bagong dyowa

By
4,460

Mula nang lumabas ang isyung mabubuwag na ang tambalan nina Elisse Joson at Mccoy De Leon, ang Mclisse, ay wala pang nagsasalita sa kanila.

Wala ring pagdi-deny sa napapabalitang boyfriend umano ni Elisse ang Star Magic artist na si Patrick Sugui.

Pero ang nakakaloka, kung gaano kabilis ang balitang may pinagdadaanan ang loveteam ng McClisse ganun din daw kabilis na nakapag-move si McCoy. Siya kasi ang unang nasaktan matapos makipag­relasyon umano sa iba si Elisse.

Ayon sa source, may non-showbiz girlfriend na raw si McCoy.

Mas pinili raw niya na wala sa showbiz ang maging dyowa dahil nasaktan daw siya sa kinahinatnan ng relasyon nila ni Elisse.

Bukas pa rin ang panig ng McClisse sa ikalilinaw ng isyu.