Abante Tonite
Mabilis sa Balita

McCullough, 2 pa isasahog sa Gilas

0 270

Makakakatulong ang bubuuuing Gilas Pilipinas naturalized pool para sa iba’t-ibang kompetisyon ng koponan na planong balangkasin na sa lalong madaling panahon ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBPI).

Reaksyon ang bagay ni Philippine Olympic Committee (POC) first vice-president at SBPI presient Alfredo Panililo pagkapasa sa una sa tatlong hakbang ng naturalization papers ni Ateneo Blue Eagles big man Angelo Kuoame.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nakalinya na rin ang naturalizations nina Barangay Ginebra San Miguel 6-5 resident import Justin Brownlee at San Miguel Beer 6-foot-9 center Chris McCullough. Unang nagnaturalized sa Philippine quintet sa ilalim ng organisasyon sina Marcus Douthit at Andray Blatche.

Hinirit ng opisyal na base sa International basketball Federation FIBA rules, isang naturalized player lang ang puwede sa bawat international competition. Nilalaban pa nila bilang lokal si Fil-American National Basketball Association (NBA) player Jordan Clarkson ng Utah Jazz at mga nasa Philippine Basketball Association (PBA) na sina Stanley Pringle ng Ginebra at Sean Anthony ng NorthPort. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.