Abante Tonite
Mabilis sa Balita

McCullough bumabatak sa Taiwan

0 55

Kung p’wede lang, pinaliit na ni coach Leo Austria si Chris McCollough para makalaro ang American sa PBA Governors Cup.

Nilimitahan ang imports ng season-ending conference hanggang 6-foot-6 lang, samantalang nakalistang 6-9 si McCollough na dating naglaro sa Brooklyn Nets at Washington Wizards sa NBA.

“Sabi ko nga sa kanya, p’wede ka bang mag-shrink para p’wede na?” biro ni Austria Huwebes.

Si McCollough ang reinforcement ng San Miguel Beer noong 2019 Commissioner’s Cup nang talunin ang Terrence Jones-led TNT Tropang Giga sa Finals.

“’Yung second conference kasi before, 6-foot-9 ‘yun (limit) kaya nakalaro siya,” paliwanag ng coach.

Si Brandon Brown ang unang ipinarada ng San Miguel sa torneo. Matapos umpisahan sa back-to-back losses ang kampanya ay nagtuhog ang Beer ng tatlong sunod na panalo.

Unang napaulat na magpapalit ng import ang SMB, si Orlando Johnson na dating naglaro sa Ginebra na ang gagamitin sa resumption ng mga laro na sinuspinde mula Jan. 5.

Nasa P.League+ naman sa Chinese Taipei si McCollough, naglalaro para sa New Taipei Kings. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.